THIS IS BOB ONG
REBLOGGED FROM JUZTEXZ (LETS GIVE CREDIT ^_________^)
http://justexz.tumblr.com/post/425889628/bob-ong-quotes-bobong-pinoy-quotes-about-love
Bob Ong Quotes – The Famous Bobong Pinoy | Bob Ong Quotes about Love, Education and Life in General
Bob Ong Quotes na walang kamatayan! Bob Ong Love Quotes ba ang hanap mo? O anong Bob Ong Quotes in particular? Malamang isa kang pinoy na nainspired din at naadik sa pagbabasa ng mga libro ni Bob Ong. Di ka nagkamali ng pinuntahan dahil nandito ang mga walang kamatayang Bob Ong Quotes tungkol sa pag-ibig, sa buhay, sa pag-aaral, at kung ano ano pa.
At kung hindi ka pamilyar kay Bob Ong, pero curious ka malaman kung sino sya, ang totoo nyan ay walang nakakaalam kung  sino sya  at kung ano ang tunay na pagkatao ni Bob Ong. Ang pangalang Bob Ong ay isa lamang pen name o  alias na nagmula sa dating pangalan ng blog nyang bobongpinoy. And tunay na katauhan ng magaling na manunulat na si Bob Ong ay nanatiling lihim, at inililihim din ng publisher ng kanyang mga libro.
Sa palagay ko ay nakatulong din and anonymity nya dahil alalong nacu-curious ang mga tao kung sino ba talaga ang tao sa likod ng mga famous Bob Ong Quotes lalo na ang mga Bob Ong Love Quotes naamimin nating lahat, sapul na sapul ang pusong pinoy. Ang kanyang mga nalilathalang libro ay talaga namang patok na patok sa pinoy kahit pa sa mga nasa ibang bansa na.  Anyway, heto na ang mga Bob Ong Quotes na hinahanap mo! Enjoy at wag mo kalimutan i-share!!!
Eto ang mga Bob Ong Love Quotes na ni-share ko sa Plurk at nagustuhan nila, nagkalat na rin ang mga ‘to sa text.
Bob Ong Love Quotes | Bob Ong Quotes tungkol sa pag-ibig
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
Bob Ong Quotes tungkol sa PAG-AARAL
“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”
“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”
“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”
“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”
Bob Ong Quotes tungkol sa BUHAY (IN GENERAL)
“nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”
“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”
“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
Other Bob Ong Quotes
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”
“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. ”
“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala.”
“iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”
“iba ang informal gramar sa mali !!!”
” Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay.”
“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!”
——————————————————————————————————————
Ngayong nabasa mo na ang mga Bob Ong Quotes, Wag mo kalimutan i-share sa friends mo, lalo na ang mga Bob Ong Love Quotes. Wag mo ding kalimutang basahin ang mga libro ni Bob Ong para mas maenjoy mo. Eto ang Mga title ng books nya na available na sa bookstores at sa net:
ABNKKBSNPLAko?!
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
Ang Paboritong Libro ni Hudas
Alamat ng Gubat
Stainless Longganisa
McArthur

FOLLOW BOB ONG ON TUMBLR: thisisbobong.tumblr.com/
FOLLOW BOB ONG ON FACEBOOK: http://www.facebook.com/group.php?gid=356743421592&ref=ts

PLEASE HELP BOB ONG TAKE OVER TUMBLR AND FACEBOOK LO~ :3

Help BOB ONG take over tumblr lo~
Download Link: [ 658 x 531 Wallpaper ]
http://greenfabre.deviantart.com/art/THIS-IS-BOB-ONG-156355707